Inihayag ng National Bureau of Investigation (NBI) na isa sa pinaka dahilan kung bakit lumalala o tumataas ang kaso ng online sexual abuse ay dahil sa kawalan ng trabaho ng mga Pilipino.
Ayon sa NBI nawawalan ng pag-asa ang mga Pinoy na muling makahanap ng trabaho dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay nbi Spokesperson Deputy Director Ferdinand Labin, nagsimula ang paglobo ng kaso ng online sexual exploitation kasabay ng pagpapatupad ng mahigpit na quarantine restrictions sa bansa.
Base sa 2021 Global Threat Assessment report ng Weprotect Global Alliance, nakapagtala ng 265% na pagtaas ang online child sexual abuse cases sa bansa sa pagitan lamang ng buwan ng Marso hanggang buwan ng Mayo noong nakaraang taon.
Sa ngayon, itinuturing na ‘global epicenter of the livestream sexual abuse trade’ ang bansa ayon sa United Nation Children’s Fund.—sa panulat ni Angelica Doctolero