Umani ng batikos ang kawalang aksyon ng mababang kapulungan ng kongreso sa CTRP o Comprehensive Tax Reform Program ng pamahalaan.
Ayon kay Filomeno Sta. Ana lll, coordinator ng AER o Action for Economic Reforms, sa kabila ng paulit-ulit nilang pulong kasama ang House Ways and Means Committee sa nagdaang walong (8) buwan, bigo pa rin si Cong. Dakila Cua na chairman ng komite na isalang sa botohan ang CTRP.
Sa halip anya na pagbotohan ang panukala ay nagpasya ang komite na bumuo ng technical working group para i-review ang panukalang batas.
Gayunman, pinuna ni Sta. Ana na ilang linggo na ang nakakaraan pero hanggang ngayon ay wala pang binubuong technical working group.
By Len Aguirre