Iginagalang ng Malakanyang ang pananaw ng nakararaming Pilipino na walang tiwala sa China.
Reaksyon ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos na makakuha ng negative (-) 33 na net trust rating ang China sa hanay ng mga bansang pinagkakatiwalaan ng mga Pilipino, batay sa survey ng Social Weather Station.
Ayon kay Panelo, hindi na rin nila ikinagulat ang resulta ng survey.
Tiniyak ni Panelo na hindi pipilitin ng pangulo ang sinuman na baguhin ang kanilang sentimiyento sa China.
Gayunman, naniniwala anya sila sa Duterte administration na darating ang panahon na magbabago ang pananaw ng mga Pilipino sa China na nakabatay sa independent foreign policy ng Pangulong Rodrigo Duterte.