Isasailalim sa COVID-19 test ang lahat ng kawani ng isang factory sa Quezon City.
Ito’y matapos magpositibo sa virus ang isa nitong empleyado at nadiskubreng close contact pa ng isang pasyenteng may Delta virus sa ibang lungsod.
Ayon kay Dr. Rolly Cruz, head ng Quezon City epidemiology and surveillance unit, ang naturang pasyente na nag positibo sa virus ay huling pumasok sa trabaho nuong Hunyo 24.
Nagpagdesisyunan aniya nilang i-test na ang lahat ng empleyado roon para makatiyak na walang transmission sa lugar.