Maagang pinauwi ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang kanilang mga kawani sa city hall ngayong araw.
Ito’y bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng kainang pamilya mahalaga day kung saan ay bibigyan ang bawat kawani ng pamahalaang lungsod na magkaroon ng oras sa kanilang pamilya.
Sa ilaim ng proclamation 326, idineklara ang ika-apat na lunes ng Setyembre kada taon na pahalagahan ang pagsasalo-salo ng pamilya.
Gayunman, magpapatuloy pa rin ang operasyon sa mga Manila Health Department, Manila Disaster Risk Reduction and Management Office at Manila Department of Social Welfare para sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko.