Duguan at walang buhay nang matagpuan ang isang government employee ng munisipyo matapos umanong hampasin ng matigas na bagay ng hindi pa kilalang suspek Hinobaan, Negros Occidental.
Kinilala ang biktimang si daryl canoy, 43-anyos
Batay sa report ng Hinoba-an Municipal Police Station, natagpuan ang bangkay ng biktima sa bahagi ng National Highway sa Sitio Balugo, barangay sangke, ng na naturang bayan.
Sa paunang imbestigasyon ng awtoridad, binabaybay ni Canoy ang motorsiklo ang naturang kalsada ay bigla na lamang hinampas ng matigas na bagay ang biktima dahilan para sumemplang ito sa kalsada.
Naisugod naman ng mga rumespondeng awtoridad ang biktima sa ospital subalit idineklara na rin itong patay ng mga doktor
Nagpapatuloy naman ang ginagawang follow-up investigation ng mga pulis hinggil sa nasabing krimen.