Kayang-kayang magkaruon ng mabilis at reliable connectivity hindi lamang para sa pag-aaral, pagkakakitaan o simpleng pagba-browse.
Ito ay matapos ilunsad ng Globe at Home ang Gfiber prepaid para sa anito’y game changing innovation na sadyang magtutulak sa mga Pilipino na maniwalang – kaya mo now!
Ang Gfiber prepaid, isang unlimited prepaid fiber WiFi ay bagong produkto para ma-empower ang mas maraming Pilipino at mapatunayang kaya nilang lumampas sa kanilang limit.
Ayon kay Raymond Policarpio, Vice President ng Globe at Home Brand Management, patutunayan ng pinakabagong innovation ng Globe at Home na ang Kaya Mo Now Gfiber prepaid ay instrumento para mas mahigitan pa ang ating limitasyon at hindi na makampante na lamang tulad ng mga nakalipas na taon sa regular internet services na abot kaya lamang para matugunan ang sarili at maging ng pangangailangan ng pamilya sa internet.
Sa inilunsad na Gfiber prepaid Kaya Mo Now, nasaksihan at na-experience ng mga attendees ang kapangyarihan ng fiber technology sa pamamagitan ng Fiber Lab Tour na pinangunahan ng isang grupo ng experts, ang Globe home squad.
Matapos nito ay dinala ang attendees sa loob ng installation ng isang Gfiber prepaid powered home kung saan nakita mismo ng influencers ang makapangyarihan at abot kayang prepaid fiber connection na magagamit sa kanilang diskarte sa buhay tulad ng online learning, live selling at content creation.
Ang Gfiber prepaid Kaya Mo Now launching na pinangunahan nang itinuturing na madiskarteng Pinoy na si Neri Miranda ay nagpakita rin ng mga real life experiences at mga kuwento ng pagiging madiskarteng Pinoy tulad nina Imarie Yoshida, dating brand Ambassador turned online seller at Carmencita Bumanglag na isang sari-sari store owner.
Ipinakita nina Yoshida at Bumanglag ang malinaw nilang vision kung paano mapapaangat ang kanilang buhay bagama’t limitado ng poor internet connectivity subalit dahil sa access sa Gfiber prepaid tila nakakita sila ng liwanag at nakatagpo ng mga bagong possibilities na mas nagtulak pa sa kanilang maabot ang kanilang mga misyon.
Ang gfiber prepaid ay nag-aalok ng fiber speed home internet na mayruong iba’t ibang affordable loading options na mapagbabasehan ng consumers, depende sa kanilang budget.
Para matiyak na hindi maiiwan ang sinong Pinoy family nag-alok din ang Globe at Home ng no lock up, unlimited pay per use promos at buy now, pay later option katuwang ang Gcash via Gcredit at Ggives para mas mabilis na maka-secure ng fiber connection ang mga customers.
Bukod sa pagpapalawak ng kanilang product offerings para sa mas maraming Pilipino ang Globe at Home sa pamamagitan ng Gfiber prepaid ay isinusulong ang digital landscape para ipalasap ang first fully digital prepaid fiber experience ng Pilipinas sa mga Pilipino mula sa application hanggang consumption sa pamamagitan ng Globe One app kung saan mabilis na makakapag-apply ang customers, makapag-schedule ng installation, matukoy ang kanilang order at bumili ng gustong promos sa pamamagitan ng app.
Sa pamamagitan ng Gfiber prepaid, pinaigting pa ng Globe ang pagsusulong ng digital inclusion at enablement para mapatunayan at ma experience ng mga Pilipino ang ikinakasang “Kaya mo now”.