Engaged na ang 34-year old actress na si Kaye Abad sa kanyang boyfriend na si Paul Jake Castillo.
Sa isang video na in-upload ni entertainment writer Darla Sauler, makikitang nakaluhod na hiningi ni Castillo ang kamay ni Abad para magpakasal.
“We started off as friends tapos naging partner in crime kita, best friend, tapos hindi mo talaga napigilan at ginawa mo akong boyfriend. Now I’d like to seal it,” “Will you marry me?” Pahayag ni Paul Jake.
Ayon sa ulat nangyari ang proposal sa surprise birthday party na inihanda ni Paul Jake para kay Kaye sa Alabang noong Martes.
Matatandaang unang inamin ng dalawa ang kanilang relasyon noong April 2014 at sa isang interview ay inamin ni Kaye na kung magpo-propose si Paul Jake ay tatanggapin niya ito dahil handa na umano siya.
Bumuhos naman ang mga pagbati sa dalawa mula sa kanilang malalapit na kaibigan.
PHOTO: Screengrab from Jay Contreras/ Instagram