Sinimulan na ng aktres na si Kaye Abad ang paghahanda para sa kanyang nalalapit na kasal kay Paul Jake Castillo.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Abad na ang fashion designer na si Francis Libiran ang gagawa ng kanyang wedding gown.
Nagpahayag ng excitement ang aktres dito at may caption itong: “Very excited on how the one and only Francis Libiran will create the perfect wedding gown for me,”
Sa isang interview sinabi ni Abad na gusto niya lang ng isang simpleng church wedding.
Aniya mas gusto niya ang candles at ilaw at ayaw naman niya ang sobrang maraming bulaklak.
Idinagdag din ng aktres na dati ay gusto niya ang black para sa theme pero nagamit na ito ng kanyang kapatid kaya pipili na lang siya ng ibang dark tones.
Sa wedding date naman sinabi ni Paul Jake na dahil naniniwala ang kanyang pamilya sa Feng Shui ay pumipili pa sila ng tamang petsa para sa kasal.
Matatandaang unang inamin ng couple ang kanilang relasyon noong April 2014 na nagsimula bilang matalik na magkaibigan.
Photos: Screengrab from kaye abad and nice print/ Instagram