Iginiit ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP na mananatiling tagapagbantay at fiscalizer ang mga miyembro ng media.
Ito ang reaksyon ni KBP National Chairman Herman Basbaño kasunod ng mga pinakawalang pahayag laban sa media ni incoming President-Rodrigo Duterte.
Bagama’t aminado rin si Basbaño na marami sa mga nasa hanay ng media ang tiwali o di kaya’y nagpapanggap, hindi pa rin solusyon ang pagpatay para mapigilan ang korapsyon.
Nunit sa kabila aniya ng mga kahinaan ng mga mamamahayag, buo pa rin ang paninindigan nito sa pagganap ng tungkulin bilang fourth estate ng bansa.
Buwelta sa media
Binuweltahan ni incoming President Rodrigo Duterte ang hanay ng media.
Ito’y makaraang umani ng kaliwa’t kanang batikos hinggil sa kanyang naging pahayag sa usapin ng media killings.
Sa ipinatawag na pulong balitaan kagabi, binigyang diin ni Duterte na inaabuso ng media ang kalayaan sa pamamahayag para siraan ang isang tao sa ngalan ng negosyo.
Bahagi ng pahayag ni incoming President Rodrigo Duterte
Nanindigan din si Duterte na hindi siya hihingi ng tawad sa kanyang naging pahayag tungkol sa pinaslang na brodkaster na si Jun Pala.
Una nang inihayag ni Duterte na kabilang si Pala sa mga tiwaling miyembro ng media kaya ito ipinapatay.
Bahagi ng pahayag ni incoming President Rodrigo Duterte
By Jaymark Dagala