Kinontra ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ang panawagan ng Reporters Without Borders na i-boycott ng mga mamamahayag si incoming President Rodrigo Duterte.
Ayon kay KBP President Herman Basbaño, tungkulin ng mga mamamayag na i-cover ang presidente ng Pilipinas dahil mahalagang malaman ng taongbayan ang kanyang mga bagong polisiya at kung paano patatakbuhin ang bansa.
Binigyang diin ni Basbaño na hindi dapat maging balat-sibuyas ang mga mamamahayag kapag nakakatanggap ng pagpuna dahil trabaho rin naman ng media ang mamuna.
Bahagi ng pahayag ni KBP President Herman Basbaño
By Len Aguirre | Ratsada Balita