Handa ang Kapisanan ng mga Brodkasters ng Pilipinas (KBP) sa pag-host ng pinakahuling presidential at vice presidential debates, na gaganapin sa Abril a-30 at Mayo a-1.
Ayon kay KBP National President Herman Basbaño, dati na rin silang kaagapay ng Comelec kaya walang nakikitang problema sa paghawak ng malaking aktibidad.
Hinimok din ni Basbaño, ang mga kandidato na samantalahin ang pagkakataon upang mas marami ang makapakinig ng kanilang plataporma.
Unang nagkaaberya ang dating partner ng poll body dahil sa venue, kaya naghanap ng bagong katuwang ang Comelec para humawak ng nasabing event.