Naniniwala si Ruperto Jun Nicdao, president ng Kapisan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), na hindi pa ito ang katapusan para sa ABS-CBN network.
Kasunod ito ng naging pasiya ng House Committee on Legislative Franchise na ibasura ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa panibagong 25-year franshise.
Ayon kay Nicdao, nagawa na ng ABS-CBN magbago mula sa isang broadcasting company sa pagiging isang content creator dahil sa mga pambihira nitong mga programa.
Tiwala din si Nicdao na magbibigay daan ang pangyayari para mas linangin at pag-ibayuhin pa ng network ang kanilang digital platform na tiyak na tatangkilikin pa rin ng kanilang mga followers.
Sa kabila naman nito, aminado pa rin si Nicdao na magiging isang malaking kawalan para sa mga Pilipinong manonood sa buong bansa ang pagsasara at pagtigil sa operasyon ng ABS-CBN.