Tila mas nagkakamabutihan pa ang rumored couple na sina KC Concepcion at dating Azkals team captain Aly Borromeo.
Sa pinakahuling Instagram post ng aktres, makikita ang isang sweet photo ng dalawa na ngayo’y nagbabakasyon sa ibang bansa.
Sa caption ng dalaga inihayag nito ang excitement na makarating sa highest bar in the world.
“That feeling when you have a fear of heights, but he takes you to the highest bar in the world?!”
Tinutukoy ni Concepcion ang high-end Ozone sky bar and lounge of The Ritz-Carlton sa Hong Kong.
Aniya, masaya siyang makasama si Borromeo sa isa sa kanyang mga paboritong lugar sa Asya.
Samantala, nitong mga nakaraang araw ay pinag-usapan din ng mga netizen ang video post ni Borromeo laman ang workout session ni KC, kung saan tinawag niya ang aktres na ‘my girl’.
Tanong ng mga netizen, kumpirmasyon na ba ito na officially ay sila na nga?
Matatandaang nagsimulang ma-link si KC kay Aly nitong Abril matapos na ma-ispatan ito sa isa sa mga laro ng football player.
Inamin ng aktres na nagde-date sila ni Aly na inilarawan nitong ‘one of the few good guys left’.
Photo: Screengrab from kc concepcion/Instagram