Kinumpirma ng aktres na si KC Concepcion na hiwalay na sila ng kanyang athlete boyfriend na si Aly Borromeo.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si KC ng black and white photo nila ni Aly.
Sa kanyang caption, matalinghagang sinabi ni KC na kahit hindi na sila ngayon ay hindi pa rin niya isinasara ang pinto sa posibilidad na magkabalikan silang muli.
Tiniyak naman ni KC na tuloy pa rin ang kanyang pagsuporta sa kanyang ex-boyfriend kahit ngayon na sila’y hiwalay na.
Nagsimulang mag-date ang dalawa noong April 2016 at naging magkasintahan sila matapos ang ilang buwan.
—-