Bagamat di man direktang kinumpirma, ipinahiwatig ni KC Concepcion na may gusot sa pagitan nila ng kanyang inang si Megastar Sharon Cuneta.
Sinasabing nag-ugat ito sa pagsusuot ni KC ng revealing outfit sa isang musical event na hindi nagustuhan ng megastar.
Matatandaang tinawag ni Sharon na unnecessary too-sexy poses ang pictures ng anak sa Facebook.
Ayon kay KC, hindi sila perpektong mag-ina. Gayunman, naniniwala si KC na anuman ang pinagdadaanan nilang mag-ina ngayon ay maaayos at maaayos ito sa lalong madaling panahon.
By Ralph Obina