Masayang beach getaway birthday celebration ang ibinahagi ni KC Concepcion sa kanyang mga tagahanga.
Kasama ang boyfriend na si dating Azkals team captain Aly Borromeo at ilang malalapit na kaibigan ay ipinagdiwang ni KC ang ika-32 kaarawan niya sa Coron, Palawan kamakailan.
Na-enjoy ng aktres ang ganda ng Palawan at sinabing ang lugar ay talaga namang kanyang babalik-balikan.
Kitang-kita din sa mga social media post ng mega daughter na happily in love ito kay Aly.
Bagamat hindi tahasang inamin ng sinuman sa dalawa ang kanilang relasyon ay kinumpirma naman ng half sister ni KC na si Cloie Syquia-Skarne ang relasyon ng kapatid sa football player.
Marami na ring pagkakataong nakitang kasama si Aly sa mga event ng pamilya ni KC. —AR