Todo depensa si KC Concepcion sa sarili na masaya ito sa buhay niya kahit walang TV at movie project.
Sa sunud-sunod nitong Tweets, sinabi ni KC na hindi lang magandang career ang makapagpapasaya sa isang tao.
Dagdag pa ng anak ng Megastar na mayroon pang ibang aspeto sa buhay na hindi nababayaran ng pera.
Nilinaw ni KC na may kontrata pa siya sa ABS-CBN at nagpapasalamat siya para rito.
Una nang nagtweet ang isang basher na laos na si KC dahil walang mga project sa kanyang TV Network at pinaaasa lamang nito ang kanyang fans.
By: Avee Divierte