Pursigido pa rin si American Boxer Keith Thurman na makaharap muli si Senador Manny Pacquiao.
Sinabi ni Thurman na tiyak na sulit ang rematch nila ng pambansang kamao.
Magugunitang tinalo ni Pacman si Thurman sa pamamagitan ng split decision sa sagupaan nila nuong July 2019.
Gayunmanipinabatid ni Thurman na sakaling mabigo siya kay Pacman kinukunsider niya ang mga boksingerong sina Shawn Porter, Mikey Garcia, Danny Garcia at Errol Spence para makasagupa sa mga susunod na araw.