Hindi personal magkakilala ang negosyanteng si Wilfredo King at Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang iginiit ng abogado ni Keng sa gitna ng ulat na itinalaga sa isang posisyon sa gobyerno ang anak na babae ng negosyante.
Ayon kay Atty. Melissa Andaya, abogado ni Keng, walang kinalaman ang administrasyong Duterte sa simpleng kaso na isinampa ng kanyang kliyinte na isa namang pribadong indibiduwal.
Layunin aniya ng inihaing kasong cyber libel ni keng laban kina Rappler CEO Maria Ressa at dating researcher na si Reynaldo Santos Jr., ang malinis ang kanyanh pangalan.
Dagdag ni andaya, batid naman ng lahat na napakaraming tao ang ina-appoint ng pangulo na inirerekomenda rin naman ng mga nakapaligid at colleagues nito.
Setyembre ng 2019 nang italaga bilang miyembro ng Philippine Commission on Women for Youth Sector ang anak ni keng na si Patricia Anne.