Nananatiling sarado sa mga motorista ang labing isang kalsada sa Luzon bunsod ng mga naitalang landslide, naisarang bahagi ng kalsada o tulay at pagbaha sa nagdaang pagtama ng Bagyong Ompong.
Ayon sa Department of Public Works and Highways-Bureau of Maintenance (DPWH-BOM), siyam sa mga kalsada ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR) at dalawa naman sa Central Luzon.
Ipinabatid ng ahensya na nasa mahigit dalawang bilyong piso ang naitalang pinsala ng Bagyong Ompong sa sektor ng imprastraktura na kinabibilangan ng mga kalsada, tulay, flood control structures at mga pampublikong gusali.