Ipinasara ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Kennon Road dahil sa severe tropical storm Karding na posibleng manalasa sa Northern Luzon.
Batay sa abiso ng joint Inter-Agency Task Force Kennon at DPWH Cordillera Administrative Region (CAR), lahat ng uri ng sasakyan ay hindi papayagang dumaan sa Kennon Road.
Pinapayuhan din ang mga residente na mag-ingat partikular na sa mga taong nakatira malapit sa mudslides prone areas.
Inabisuhan din ng kagawaran ang mga motorista na pupunta ng Baguio City at kalapit na bayan na dumaan na lamang sa mga alternatibong lugar.
Nabatid na inaasahang bukas magla-landfall sa Isabela ang naturang bagyo.