Muling binuksan sa trapiko ang Kennon Road, habang papalo sa teritoryo ng Pilipinas ang bagyong Jolina.
Sa isang press conference, sinabi ni NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan na hinihikayat nila ang mga motorista na manggagaling at magtutungo sa Baguio city na gamitin ang Marcos Highway o Naguilian Road bilang alternatibong ruta for safety purposes.
Una nang isinara sa trapiko ang Kennon Road alas-8:00 kagabi dahil sa bagyo.
Samantala, passable na rin sa mga motorista ang Kiangan-Tinoc-Buguias Boundary Road sa Ifugao.
Habang hindi pa rin madaanan ang Tabuk-Banaue Road sa Lower Kalinga bunsod ng naitalang landslide at pagguho ng kalsada sa lugar.
By Meann Tanbio