Isinara na ang Kennon Road sa lahat ng uri ng sasakyan dahil sa patuloy na nararanasang malakas na pag ulan dulot ng bagyong Karen
Ito ayon sa office of Civil Defense-Cordillera ay para maiwasan ang anumang aksidente
Dahil dito pinayuhan ng office OCD Cordillera ang mga motorista na dumaan sa Marcos Highway kung aakyat ng Baguio CITY
Samantala putol ang supply ng kuryente sa ilang bahagi ng Benguet at Baguio City dahil pa rin sa pananalasa ng bagyong Karen
Kaugnay dito, isinara muna pansamantala ang Nueva Vizcaya-Benguet road dahil sa landslide sa bayan ng Ambaguio, Nueva Vizcaya
Bunsod ito nang patuloy na pag ulan dala ng bagyong Karen
Ang Nueva Vizcaya-Benguet road ay alternatibong daanan ng mga taga region 2 paakyat ng Baguio City
Ayon kay Genaro Basilio, oil PDRRMO nagpadala na sila ng grupo sa bayan ng Ambaguio para tumulong sa municipal disaster risk reduction and management council para sa clearing operations
Sinabi ni Basilio na wala na ring supply ng kuryente sa Nueva Vizcaya dahil sa bagyong Karen
May inihahanda na ring evacuation center ang lokal na pamahalaan para sa mga residenteng nakatira sa flood prone barangays sa bayan ng Bayombong
Patuloy naman ang monitoring ng PDRRMC sa mga bayan ng sa Nueva Vizcaya na nakaranas ng mas matinding hagupit ng bagyo
By: Judith Larino