Pansamantalang binuksan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga motorista ang Kennon Road sa Baguio City.
Ito ay sa gitna na rin ng inaasahang pagdasa ng mga aakyat sa lungsod ngayong Semana Santa.
Ayon sa DPWH, bukas sa para sa two way traffic ang Kennon Road simula kahapon, Abril 14, Linggo ng Palaspas hanggang alas-6:00 ng umaga sa Lunes, Abril 22.
Ipapatuloy naman sa susunod na Lunes ang pagkakabit ng netting system na sasalo sa mga nahuhulog na bato mula sa gilid ng kalsada.
Gayundin ang planong major rehabilitation ng Kennon Road na pinaplantsa pa ng Bureau of Design ng DPWH.
Sinabi naman ng Office of Civil Defense na bagama’t ligtas na para sa mga motorista ng dumaan sa Kennon Road, maaari pa rin nilang ipag-utos ang pagpapasara nito ngayong Holy Week kung uulan.
Magugunitang Setyembre ng nakaraang taon nang ipag-utos ang pagpapasara sa Kennon Road matapos ng nangyaring landslide at tinamong pinsala ng kalsada dahil sa bagyo.
—-