Naisyuhan ng Valenzuela City Government ng provisional business permit ang Kentex Manufacturing Corporation kahit wala itong fire safety inspection certificate mula sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Ayon kay BFP Spokesperson Renato Marcial, malayang nakakapag-operate ang Kentex kahit pa walang fire safety inspection certificate ang kumpanya.
Sa ilalim ng Fire Code of the Philippines, ang fire safety clearance ay isang pre-requisite para makakuha ng business permit bago mag-operate ang isang establisimyento.
Giit ni Marcial, kailangan munang magpatupad ng inspection sa gusali o establisimyento bago mag-isyu ang Local Government Unit (LGU) ng business o mayor’s permit.
By Ralph Obina