Inakusahan ng isang mambabatas na pabaya ang Department of Labor and Employment o DOLE sa paglalabas nito ng compliance certificate sa Kentex Manufacturing Corporation.
Ang Kentex ang siyang may-ari ng nasunog na pabrika ng tsinelas sa Valenzuela City na ikinasawi ng 72 empleyado nito.
Ayon kay House Labor and Employment Committee Chairman at Davao City Representative Karlo Nograles, batid na ng DOLE na illegal ang pagkuha ng Kentex sa kanilang sub-contractor ngunit binigyan pa rin ito ng compliance certificate.
Kinuha ng Kentex ang CJC Manpower Service para sa may 200 manggagawa nito na napag-alamang hindi pala rehistrado sa DOLE.
By Jaymark Dagala