Iminungkahi ni Senador Panfilo Lacson na agad nang kunan ng affidavit ang drug lord na si Kerwin Espinosa at ipa-authenticate ito sa consul ng Abu Dhabi.
Sa ganitong paraan, aniya, anumang mangyari kay Espinosa, maaaring gawing ebidensya ang kanyang affidavit.
Kasunod ito ng impormasyong inaantala umamo ang pagbalik ni Espinosa sa Pilipinas.
Giit ni Lacson, hindi maaaring balewalain ang sunud-sunod na pagpatay sa mga taong nauugnay kay Espinosa.
Maaari aniyang may intensyong patahimikin ang mga iyon para hindi mapangalanan ang iba pang sangkot sa iligal na droga sa Visayas.
By: Avee Devierte / Cely Bueno