Humarap nang mag-isa kahapon sa kanyang pagdinig sa Manila Regional Trial Court ang self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa.
Ito’y matapos mapatay ang abogado niya sa Cebu noong nakaraang linggo na si Atty. Jonah John Ungab, na vice mayor din sa bayan ng Ronda.
Aminado si Espinosa na nahihirapan na siya ngayon humanap ng abogado na dedepensa sa mga kasong kinakaharap niya dahil sa banta ng seguridad.
Nabatid kasi na hindi lang si Atty. Ungab ang unang pinatay na abogado ng pamilya Espinosa dahil noong 2016 ay nasawi din matapos tambangan ang isa sa kanilang mga abogado na si Atty. Rogelio Bato.
—-