Inilipat na sa headquarters ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Maynila ang bigtime druglord ng eastern Visayas na si Kerwin Espinosa.
Bago mag-hatinggabi nang ihatid si Espinosa sa kustodiya ng NBI mula sa PNP-Anti-Illegal Drugs Group sa Kampo Crame, Quezon City.
Nakasuot ng tradisyunal na uniporme ng mga preso na kulay orange at naka-bullet proof si Kerwin nang dumating sa headquarters ng NBI.
Magugunitang naghain ng application si Espinosa upang mapasailalim sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DOJ).
By Drew Nacino | Jopel Pelenio (Patrol 17)