Ipinaaresto na ng Baybay City Regional Trial Court ang druglord na si Kerwin Espinosa.
Ipinalabas ang warrant of arrest ni Judge Carlos Arguelles dahil sa kasong pagpatay sa isang Gregorio Villarde noong September 2014
Una nang naaresto ang sinasabing mga hitman ni Espinosa na sina Jesus Tolin at Brian Anthony Zaldivar.
Alinsunod sa kautusan ng korte, kahit pa nakakulong si Kerwin sa National Bureau of Investigation (NBI) ay kinakailangan na arestuhin ito para harapin ang kaso nitong murder.
Matatandaang isinailalim sa Witness Protection Program (WPP) ng DOJ si Espinosa dahil sa kahandaan nitong ikanta ang iba pang taong sangkot sa bentahan ng iligal na droga.
By Rianne Briones
Story Credit: CNN PH