Isinailalim sa imbestigasyon ng mga awtoridad sa Abu Dhabi, United Arab Emirates o UAE ang suspected drug lord na si Kerwin Espinosa
Inihayag ito ni Philippine Ambassador to UAE Constancio Vingno Junior matapos maaresto si Espinosa ng Abu Dhabi police dahil sa tip ng isang Pinoy OFW duon
Ayon kay Ambassador Vingno, bagama’t binigyan nila ng legal assistance ang batang Espinosa, kailangan pa rin nitong maghanap at kumuha ng sariling abogado kalaunan
Nilinaw pa ni Vingno, hindi gumamit ng ibang identity si Espinosa dahil gamit pa rin nito ang kaniyang sariling pasaporte na siyang ginamit nito palabas ng bansa
Batay sa impormasyon ng embahada, posibleng dumaan si Espinosa mula sa Palawan at nagtungo sa Kuala Lumpur sa Malaysia kung saan duon nakakuha ng visa patungong Abu Dhabi nuong ikatlong linggo ng Setyembre
By: Jaymark Dagala / Allan Francisco