Maililipat na ng kulungan si Kerwin Espinosa sa loob ng sampung araw.
Tiniyak ito ni kay PNP chief Director General Ronald Bato Dela Rosa matapos ipag-utos ng Baybay Leyte RTC na ilipat na sa custody ng NBI si Kerwin mula sa PNP.
Ayon sa Korte, si Kerwin ay nasa ilalim na ng provisional coverage ng witness protection program na siyang dahilan sa paglipat ng kaniyang custody sa NBI.
Magugunitang hindi naiprisinta sa Korte si Kerwin matapos arestuhin sa Abu Dhabi sa bisa ng arrest warrant dahil na rin umano sa seguridad.
By Judith Larino