Nabunyag na nakakagamit pa rin ng cellphone ang aminadong drug dealer na si Kerwin Espinosa kahit nasa custody ito ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Chief Inspector Jovie Espenido, dating hepe ng PNP sa Albuera Leyte, tinawagan ni Kerwin ang isa sa 14 na tauhan nito na nahuli nila sa Albuera.
Sinabi di umano ni Kerwin sa kanyang mga tauhan na magbabalik sila sa kanilang operasyon sa illegal drugs sa sandaling makapuwesto muli sila sa pamahalaan sa pamamagitan ng kanyang kapatid na tatakbo bilang mayor sa susunod na eleksyon.
Bahagi ng pahayag ni Chief Inspector Jovie Espenido
Nagpahayag ng pangamba si Espenido na mawalan ng saysay ang lahat ng kanyang ginawang paglaban sa illegal drugs sa Albuera matapos siyang matanggal na hepe ng PNP doon at mailipat sa Ozamis City.
Una nang sinabi ni Espenido na walang ibinigay na dahilan sa kanya ang pamunuan ng PNP kung bakit bigla siyang inilipat ng lugar.
Bahagi ng pahayag ni Chief Inspector Jovie Espenido
By Len Aguirre | Ratsada Balita