Ligtas na ang pakiramdam ni Kerwin Espinosa ngayong nasa custody na ng gobyerno sa pamamagitan ng WPP o Witness Protection Program.
Nagtungo sa Department of Justice (DOJ) si Kerwin para sa preliminary investigation hearing sa drug complaint laban sa kanya.
Iginiit ni Kerwin sa nasabing pagdinig na binigyan niya ng 8 milyong piso si Senador Leila de Lima bilang bahagi ng campaign fund nito.
Si Kerwin ay nakasuot ng bullet proof vest at pinapaligiran ng security personnel ng DOJ at mga ahente ng NBI kung saan naka-custody nito noon pang December 14.
Kasabay nito, ipinabatid ni Atty. Leilani Villarino, abogado ni Kerwin na pinag-aaralan na rin ang posibleng pagsasailalim sa WPP ng immediate family ng kanyang kliyente.
By Judith Larino