Posibleng makalabas na ng piitan sa Abu Dhabi, sa United Arab Emirates ang number 1 umanong drug lord ng Eastern Visayas na si Rolando “kerwin” Espinosa Junior.
Ayon kay Philippine Ambassador to UAE Constancio Vingno, sa oras na matapos ang imbestigasyon at paper work ay maaaring makalabas anumang araw ngayong buwan si Espinosa mula sa Al Wathba Jail.
Pero naka-depende anya ito kung mapatutunayang nakagawa ng krimen o hindi si Kerwin sa UAE.
Matagal ng pinaghahanap si Espinosa ng Philippine National Police dahil umano sa illegal drug trafficking activities nito.
By: Drew Nacino