Maaaring makauwi na dito sa Pilipinas sa loob ng 14 na araw si Kerwin Espinosa.
Sinabi ni Philippine Ambassador to the UAE Contancio Vingno Jr., na inaayos na lang ng INTERPOL ang magiging proseso kung papaano ang gagawing pag turnover kay Espinosa sa mga opisyal ng Pilipinas.
Bahagi ng pahayag ni PH Ambassador to UAE Contancio Vingno
Binigyang diin din ni Vingno na maliban sa pagpapa kustodiya sa Department of Justice (DOJ) at pagpapasailalim sa Witness Protection Program (WPP), nais din ni Espinosa na makasama pauwi ang kanyang common law wife at tatlong anak.
Ayon kay Vingno, hindi nila napag-usapan ang kanyang kasong kakaharapin pag-uwi dito, subalit kanyang tiniyak na sasabihin ang lahat ng kanyang nalalaman hinggil sa operasyon ng iligal na droga.
Bahagi ng pahayag ni PH Ambassador to UAE Contancio Vingno
“Legal naman yung pag-alis niya sa Pilipinas”
Hindi dumaan sa back door exit si Kerwin Espinosa nang ito ay umalis ng bansa noong Hunyo 21.
Sinabi ni Ambassador Vingno na sa NAIA sumakay ng eroplano si Espinosa patungo sa Malaysia.
Ayon kay Vingno, mula sa Malaysia ay ilang araw pang nanatili sa Bangkok, Thailand si Espinosa, bago magtungo sa Hong Kong at sa United Arab Emirates.
Inilahad ni Vingno na dumating si Espinosa sa UAE noong Agosto 1 sakay ng Etihad Airlines Flight.
Bahagi ng pahayag ni PH Ambassador o UAE Contancio Vingno
By Katrina Valle | Ratsada Balita