Sinundo na ng Philippine National Police-Anti Illegal Drugs Group (PNP-AIDG) sa Abu Dhabi ang hinihinalang drug lord na si Kerwin Espinosa.
Lumipad na patungo ng Abu Dhabi ang grupo sa pangunguna ni Senior Supt. Albert Ferro.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald dela Rosa, posibleng sa Huwebes makabalik ng Pilipinas ang grupo kasama si Kerwin.
Mula Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay ididiretso sa PNP Custodial Center sa Camp Crame si Kerwin at magre-report na lamang ang PNP sa Korte sa Leyte na nag-isyu ng warrant of arrest laban kay Kerwin.
Sinabi ni dela Rosa na nakatakda rin silang makipag-usap sa Department of Justice (DOJ) hinggil usapin ng custody kay Kerwin.
Kasabay nito, muling tiniyak ni dela Rosa na hindi sasapitin ni Kerwin ang sinapit ng kanyang amang si Albuera Mayor Rolando Espinosa na napatay sa loob ng kanyang selda sa Baybay City Sub Provincial Jail.
Bahagi ng pahayag ni PNP Chief Director General Ronald dela Rosa
By Len Aguirre | Jonathan Andal (Patrol 31)