Isinailalim na sa full coverage ng Witness Protection Program ang aminadong nangangalakal ng iligal na droga na si Kerwin Espinosa.
Kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na tinanggap sa nasabing programa ng Deparment Of Justice si Espinosa bago mag-pasko.
Wala na aniyang balakid sa aplikasyon ni Espinosa sa Witness Protection Program simula nang mailipat sa National Bureau of Investigation o NBI ang kustodiya kay Espinosa.
Matatandaang ibinunyag ni Espinosa na nagsilbing isa sa mga protektor nya si Senadora Leila De Lima na nakatanggap pa umano ng 8 milyong piso mula sa iligal na droga.
By: Avee Devierte / Bert Mozo