Nasabat ng mga otoridad ang nasa 170 gramo ng Ketamine tablets sa Philippine Post Office sa Diliman, Quezon City.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-NAIA), nagkakahalaga ang mga droga ng 850,000 pesos na ipadadala sana sa Amerika subalit ibinalik sa Pilipinas dahil hindi mahanap ang address ng recipient.
Matapos buksan ang package na walang label, bumungad sa PDEA ang ilang tableta ng Valium habang ipinasuri sa laboratoryo ang iba pang gamot nakumpirmang mga Ketamine ang mga ito.
Tinutunton na ng mga otoridad kung sino ang nagpadala ng package na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —sa panulat ni Mara Valle