Itinianggi ni National Basketball Association (NBA) star Kevin Durant ang usap-usapang magreretiro na siya sa pagbubukas 2022-2023 league season sa Oktubre.
Sinagot ng 33 anyos na ang mga espekulasyon patungkol sa kanyang retirement sa kanyang Twitter account.
Binigyang-diin din ng 6’10 forward na wala pa sa kaniyang planong mag-retiro anytime soon.
Mababatid na sa ngayon ay naghihintay pa ang Brooklyn Nets Star ng bagong team via trade na kaniyang hiniling sa kanilang koponan.