Muling lalagda ng kontrata para sa Golden State Warriors si Kevin Durant.
Ito ay dahil sa magtatapos na ang dalawang taong kontrata ni Durant na nagkakahalaga ng 51 million dollars.
Kabilang sa mga option ni Durant ay ang paglagda sa apat na taong kontrata na nagkakahalaga naman ng 158 million dollars.
Si Durant ay kabilang sa all-star ng Warriors na mayroong average na 26 point 4 points, 6 point 8 rebounds at 5 point 4 assists sa animnapu’t walong (68) laro.
Matatandaang sa Game 3 ng NBA Finals kontra Cleveland Cavaliers, naging susi ng panalo ng Warriors si Durant matapos itong kumamada ng mahigit apatnapung (40) puntos.
—-