Inanunsyo na ng Brooklyn Nets ang muling pag-renew ng kontrata ni All-Star NBA forward Kevin Durant.
Hindi na nagbigay ng anumang detalye ang koponan kung magkano ang nilalaman ng nasabing kontrata.
Ayon kay Nets general manager Sean Marks, malaking tulong sa kanilang koponan si Durant.
Unang nakapaglaro sa Nets si Durant noong 2020 hanggang 2021 season kasama sina Kyrie Irving at James Harden.—sa panulat ni Rex Espiritu