Plano ni NBA most valuable player Kevin Durant na magretiro sa paglalaro sa edad na tatlumpu’t lima.
Paliwanag ng Golden State Warriors star, ang nasabing numero kasi ang kanyang jersey number.
Aminado naman si Durant na kahit masyado pang maaga ay pinaghahandaan na rin niya ang kanyang pagreretiro.
Sa ngayon, inaabangan ng NBA fans kung mananatili pa rin sa Golden State Warriors ang back-to-back finals MVP.
Samantala, sinabi naman ni ‘Warriors’ General Manager Bob Myers, na ibibigay nila kay Durant ang anumang suweldong naisin nito para hindi lumipat ng koponan.
—-