Umalma si Oklahoma City Thunder Forward Kevin Durant sa pangit na branding ng ilang sports analyst sa idolo nitong si 17-time NBA All Star Kobe Bryant.
Ayon kay Durant , masama ang kanyang loob dahil masyado aniyang masama ang pagpapakilala kay Bryant sa publiko sa huling taon nito sa NBA.
Pag-alma ni Durant, sinisira ng ilang sports analyst ang mga naitatag ni Bryant sa kanyang karera dahil naka-focus lamang umano ang mga ito sa kung gaano kapangit ang performance ni Bryant sa NBA Season 70.
Para naman basketball hall of famer Jerry West, na siyang nagdala kay Kobe sa Lakers, masakit aniyang panoorin ang paraan ng paglalaro ngayon ni Bryant.
Nangangamba si West na ang pangit na larong ito ngayon ni Bryant ang maalala ng mga basketball fan sa kanya.
By Ralph Obina