Out muna sa mga laro ng Cleveland Cavaliers ang kanilang forward na si Kevin Love.
Ito ay dahil sa tinamo niyang fracture sa kaliwang kamay sa unang kwarter ng kanilang laban kontra Detroit Pistons.
Dahil dito, inaasahang nasa anim (6) hanggang walong (8) linggo ang kakailanganin ni Love para tuluyang mapagaling ang kanyang kamay.
Samantala, nakapagtala naman ng makasaysayang 60-point triple double si James Harden para sa laban ng Houston Rockets kontra Orlando Magic.
Maliban sa 60 puntos, gumawa din si Harden ng sampung (10) rebounds at labing isang (11) assists.
Sa huli, wagi ang Rockets sa iskor na 114-107.