Planong gawing sentro ng Cleveland Cavaliers si NBA Champion Kevin Love sa pagbubukas ng bagong NBA season.
Ayon kay Cavs Coach Tyronn Lue, mapapaganda ang floor spacing ng koponan kung ililipat si Love sa Center.
Maliban dito, plano rin ni Lue na ilagay sa forward spots sina jae Crowder at superstar Lebron James habang backcourt naman sina Dwyane Wade at Isaiah Thomas sakaling makapaglaro uli ito.
—-