Ibinunyag ng aktor na si Khalil Ramos nagpositibo siya sa COVID-19 nitong Marso at nakarekober nitong Abril 8 matapos makuha ang negatibong resulta ng kanyang RT-PCR test.
Ayon kay Khalil, close contact niya ang kanyang girlfriend na si Gabbi Garcia subalit sa kabutihang palad ay hindi naman ito nahawa.
Dagdag ng aktor, nakaranas siya ng hirap sa paghinga, pagsakit ng ulo at pangangati ng lalamunan.—sa panulat ni Agustina Nolasco