Matagumpay na naidaos ang KIA Batangas ground breaking ceremony ngayong araw sa Batangas City Grand Terminal, Diversion Road Brgy. Alangilan Batangas City.
Pinangunahan ito ng mga local government official kabilang na sina Batangas 5th District Representative Marvey Mariño, dating Batangas City Mayor Dondon Dimacuha, at si President of Prime Legacy Motors Mr. Jose Antonio V. Rivera.
Habang pinangunahan naman ni father vicente cisneros ang blessing ng naturang groundbreaking ceremony.
Inihayag naman ni Congressman Mariño sa kaniyang talumpati ang pagsuporta sa mga nagnanais magtayo ng negosyo sa batangas gayong nagsisimula na muli aniyang mabuhay ang ekonomiya at negosyo.
Habang tiwala naman si dating Batangas Mayor Dondon Dimacuha na uunlad ang mga negosyo sa Batangas gayong magandang lugar aniya ito para sa investment. – mula sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)