Inihatid na sa huling hantungan si Kian Delos Santos, ang 17-taong gulang na napatay sa anti-drug operation ng Philippine National Police o PNP sa Caloocan.
Isinagawa ang misa para kay Kian sa Sta. Quiteria Parish Church bandang alas-8:00 kaninang umaga bago nagtungo sa La Loma Catholic Cemetery kung saan ililibing si Kian.
Ilan sa mga namataan sa libing ng binatilyo ay ang mga kawani ng Witness Protection Program ng Department of Justice at ilang mga grupo kasama na si ‘Running Priest’ Fr. Robert Reyes.
Si Kian ay Grade 12 student na napatay matapos na umanong manlaban sa mga pulis sa Barangay 160, Caloocan noong Agosto 16.
Ang pagkamatay ng binatilyo ay nagtulak sa marami na kondenahin at paimbestigahan ang insidente at kasuhan ang mga sangkot na pulis.
AR / DWIZ 882